Author Topic: pilipino?..  (Read 7707 times)

Offline ikillsaint

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 61
  • *eL LatinaS LoCah.... cHiquinA EL famiLLiaH*
    • ~* eL LatinaS LOcah's siTe*~
pilipino?..
« on: July 10, 2008, 12:40:03 AM »
Odita, Irma Rosanna M.
Psychology-II





REBELDENG ANAK

Karamihan sa mga rebeldeng kabataan ngayon ay bunga ng nawasak na pamilya.
Sinasabi na ang pamilya ang dapat gumagabay sa mga kabataan lalong-lalo na ang mga magulang.
Ngunit paano na lamang  ang mga batang hindi kapiling ang mga magulang?
Madalas sa mga ito ay gumagawa ng mga bagay upang sila ay mapansin ng kanilang mga magulang. Minsan naman ay sinisisi ng mga ito ang mga magulang nila sa kanilang mga kamalian. Sinasabi nila na wala naming pakialam ang mga magulang nila kaya nila iyon ginawa. Ang iba naman ay gumagawa ng masasamang bagay dahil masama ang loob nila sa kanilang mga magulang. Masama ang loob nila dahil hindi sila sang ayon sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang kaya sila nagrerebelde.


Thesis: Ang pagkawasak ng pamilya ay madalas na dahilan ng pagiging rebelde ng mga kabataan.

Argumento: Hindi sila sang-ayon sa paghihiwalayan ng kanilang mga magulang kaya sila gumagawa ng mga bagay na hindi gusto ng kanilang mga magulang.






DALAGANG PILIPINA

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang “dalagang-pilipna”. Sinasabi na limot na daw ng mga pilipina na sila ay tinaguriang kaakit-akit dahil sa taglay na kahinhinan. Noon, nakakatuwa pagmasdan ang mga dalagang pilipina dahil simple lamang ang kanilang mga kilos at galaw.Sila rin ay tahimikat marunong sa mga gawaing bahay. Ngunit ngayon, bihira na mo na lamang sila makita. Sa panahon ngayon, madalas mas agresibo ang mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan. Nawala na rin ang pagiging mahinhin ng mga ito. Kahit ang katahimikang taglay ay hindi na rin mapapansin dahil madalas sa “chismis at sigawan” ang mga kababaihan ngayon. Bihira na rin ang marunong sa gawaing bahay. Mas madalas mo na sila makita sa lansangan at kalye. Ano nga ba ang nangyari sa ating mga dalaagang-pilipina?


Thesis: Sa panahon ngayon, nawawala na ang mga dalagang pilipina.
Argumento: Dahil hindi tulad noon, ang mga kababaihan ngayon ay maingay, agresibo, at hindi na marunong sa gawaing bahay.Mas madalas mo na rin sila makita sa lansangan at kalye.Hindi na sila mahinhin at madalas hindi na sila nakatutuwang pag-masdan.










Pusa para sa mga may high-blood at tensyonado??

Ikaw ba ay may pusa sa bahay? Ayon sa research, mabuti daw ang paghaplos ng pusa para sa mga may sakit sa puso, high-blood at tensyonado. Sinabi na ang paghaplos ng balahibo ng pusa ay nakakatulong sa pagpapadaloy ng dugo ng tao. Kadalasan sa mga taong humahaplos sa kanilang pusa ay nawawala ang sikip ng dibdib na dulot ng galit. Nawawala din ang tensyon na nararamdaman nila. Likas na malambing din ang mga pusa kaya mas madaling mawala ang galit ng isang tao.

Thesis: Ang paghaplos ng sa pusa ay nakakatulong sa mga taong may high-blood at tensyonado.
Argumento: Dahil ang balahibo ng pusa ay nakakatulong sa pagdaloy ng dugo ng tao at sila ay likas na malambing.

Mabuhay ang mga Pinoy.

Bilang isang Pinoy, maipagyayabang mo ang determinasyon at 'di sumusukong katangian ng ating lahi. Ilang beses na nga ba tayong nadapa at nalugmok sa mga problemang hinaharap ng ating bayan, nguni't heto pa rin tayo at patuloy na lumalaban at itinataguyod ang ating mga kababayan. Kahit saan mapunta ang mga Pinoy, madali nilang natutunan ang kultura at tradisyon. Hindi tayo sumusuko sa kahit anong pagsubok. Isa tayong mga pinoy sa pinaka-maalaga, pinaka-pasensyoso, pinaka-maaalalahanin at pinaka-maabilidad. Matapang at malakas ang loob nating mga Pilipino sa kahit anong kahirapan dahil stayo ay sama-sama at nagkakaisa.

Thesis: Mga magagandang at mabubuting katangian ng mga Pinoy.
Argumento: Ang mga Pinoy ay matatapang at malakas ang loob sa sa pgharap ng kahit anong problema. Likas ding maalalahanin  ang mga Pinoy at pasensyoso.



Pilipnas, pangalawa sa pinaka-masayahing bansa?

Ayon sa balita, Ang mga Pilipino daw ang pangalawa sa pinakamasayahing tao sa buong mundo. Nagagawa pa nilang tumawa kahit lugmok na sa kahirapan. Ang kanilang mga krisis ay idinadaan na lang sa mga “jokes” o biro. Kahit saan ka mag punta makikita mo ang mga Pilipino na nakangiti at tumatawa kahit na sila ay puno ng problema. Dahil kahit sa mga maliliit lang na bagay, nagiging masaya na ang mga Pilipino.


Thesis: Ang mga Pilipino ay likas na masayahin.
Argumento: Ang mga Pilipino ay lagging Masaya kahit na puro problema, idinadaan nila sa biro ang kanilang mga krisis at mga problema. Masaya ang mga Pilipino kahit sa mga maliliit na bagay lamang.






+*ZuP . I'm a ThUg u'LL LaV tah HatE..

Offline thatLous

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3498
  • formerly ThatLouie ;)
Re: pilipino?..
« Reply #1 on: August 04, 2008, 08:44:29 AM »
Hello hello there, ikillsaint :)

Hmm- I'm not so sure, but I think this belongs in the Workshop's 'Review My Work' section...? Anyway, I'm not used to reading (or writing) Filipino, aside from it being my first language and all... but I gave it a shot nonetheless.

About this piece: I didn't find anything wrong with the writing at all- although I am curious (and if you don't mind my asking) what this piece is for? :)


Louie
« Last Edit: August 05, 2008, 02:30:21 AM by ThatGuy »